Nasita na walang suot na face mask: kelot, bistado sa dalang marijuana

Share this information:

Kalaboso ang isang binata matapos makuhanan ng marijuana sa kanyang bulsa makaraang masita ng mga pulis dahil sa hindi pagsusuot ng facemask sa Valenzuela City.

Sa presinto na ng Valenzuela City Police Office nakilala ang 21 anyos na suspek na si John Azer Co, residente ng no. 28 C. Palo Alto St. Brgy. Marulas.  

Ayon kay Station Drug Enforcement Unit (SDEU) investigator Police Corporal Pamela Joy Catalla, alas-9:45 ng gabi ng Miyerkules, nagsasagawa ng beat patrolling sa Market St. sa Barangay Marulas ang mga tauhan ng Valenzuela Police Sub-Station 3 na sina  Police Corporals Reynaldo Panao at Mark Jayson Cantillon sa ilalim ng pangangasiwa ni ng sitahin nila si Co dahil walang suot na facemask.

Nang lapitan ng mga pulis para isyuhan ng ordinance violation receipt (OVR) ay umiwas at pumalag ang suspek kaya’t inaresto nila ito at nang kapkapan ay nakuha sa kanya ang anim na plastic sachets na naglalaman ng aabot sa 2 gramo ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana.

Kasong paglabag sa Art 151 (Resistance and Disobedience) of RPC at Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinampa ng pulisya kontra sa suspek sa Valenzuela City Prosecutors Office.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.