“Limos Carnapping Group” member, nalambat sa Caloocan

Share this information:

NALAMBAT ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) ang isang Most Wanted Person na miyembro ng “Limos Carnapping Group” sa isinagawang manhunt operation sa Caloocan City.

Kinilala ni NPD Acting Director P/Col. Ponce Rogelio Peñones ang naarestong akusado na si Rommel Deracin, 29 anyos, ng 20 Abessa St., Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City.

Ayon sa ulat, nakatanggap ang mga operatiba ng District Special Operation Unit (DSOU-NPD) ng intelligence information mula sa Regional Investigation Unit-National Capital Region (RIU-NCR) na naispatan ang presensya ng akusado sa kahabaan ng Phase 7, Package 1, Brgy. 176, Caloocan City.

Kaagad nagsagawa ang mga operatiba ng DSOU at Highway Patrol Group (HPG)-NPD ng joint manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto kay Deracin at nakumpiska sa kanya ang isang Magnum .22 caliber revolver na kargado ng tatlong bala.

Si Deracin ay dinakip sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu noong Oktubre 27, 2015 ni Judge Gay Marie Lubigan-Rafael ng Regional Trial Court (RTC) Branch 46 ng San Jose, Occidental Mindoro para sa kasong Robbery with Violence Against Person at Carnapping.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.