Breaking News

Share this information:

PINAG-AARALAN na ng Commission on Higher Education (CHED) ang posibilidad na mapayagan na ang limitadong face-to-face classes sa lahat ng lugar sa bansa na may mababang mga kaso ng COVID-19 at mataas ang antas ng nabakunahan.

Maliban dito, sinabi ni CHED chairman Prospero de Vera III na palalawigin na rin sa lahat ng degree programs ang pagpapahintulot sa limitadong pagpasok sa mga unibersidad at kolehiyo.

“In addition to limited face-to-face by degree program, pinag-aaralan na namin kung puwedeng payagan ang mga eskuwelahan na mag-limited face to face classes in all degree programs in areas that have very low COVID prevalence and very high vaccination rate,” ayon kay de Vera.

Sa kasalukuyan ay ang mga nag-aaral sa medisina at allied health sciences lamang ang binigyan ng go signal na magsagawa ng face-to-face classes.

Nadagdagan lamang ito kamakailan ng lima pang degree programs kabilang ang Engineering at Technology programs, Hospitality/Hotel and Restaurant Management, Tourism/Travel Management, Marine Engineering, at Marine.

“Kung papayag ang local government, kung mataas na vaccination rate sa area at mababa ang classification nila as far as COVID is concerned, baka papayagan na natin pagdating sa mga susunod na buwan ang mga eskwelahan na maglilimited face-to-face classes in all their degree programs as long as they abide by the guidelines and they are inspected,” dagdag ni de Vera.

Sinabi ni de Vera na batay sa datos ng CHED, nasa 73% ng personnel ng 1,488 colleges at universities sa buong bansa ay bakunado na laban sa COVID-19.

“As far as higher education personnel is concerned, 73% of higher education personnel are vaccinated na. Malapit na tayo sa percentage na kailangan para maging ligtas talaga sila,” pahayag nito.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: