Breaking News

Share this information:

TINATAYA ng Department of Health (DOH) na sisipa sa mahigit 4,000 ang arawang kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) kapag isinailalim sa Alert Level 3 at matagal ang detection to isolation o pagtukoy sa tinamaan ng sakit hanggang sa ma-quarantine sila para hindi na makapanghawa.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, pinag-aralan ng DOH ang mga posibleng sitwasyon kung nakataas ang Alert Level 3 at 4 sa NCR at depende sa tagal na mai-isolate o maihihiwalay ang nagpositibo sa virus.

Sa tala nuong Oktubre 1, umaabot ng 3,897 ang daily cases ng COVID-19 sa NCR.

Tinukoy ni Vergeire na sa ilalim ng Alert Level 4, bababa sa 1,731 ang daily cases sa NCR kung maigsi ang detection to isolation time pero nasa 2,195 kung matatagalan ang isolation sa may virus.

Sa ilalim naman ng Alert Level 3, tataas ang daily cases sa 3,311 hanggang 3,605 kung maigsi ang detection to isolation time at tataas sa 4,061 hanggang 4,557 kung matagal ang detection.

“This further supports our call to focus on reducing the time between detection and isolation and to not only rely on measures that restrict mobility,” diin ni Vergeire.

pagtaya sa mga aktibong kaso

Patungkol naman sa mga aktibong kaso, sinabi ni Vergeire sa ilalim ng Alert Level 4 ay inaasahang bababa sa 10,100 ang maitatala sa Oktubre 31 kung nasa apat na araw lamang ang isolation time pero bababa sa 11,779 kapag matagal ang isolation time ng nagpositibo sa COVID-19.

Pero sa Alert Level 3, inaasahan aniya na tataas sa 13,471 hanggang 14,672 ang aktibong kaso kung maigsi ang detection to isolation time at 16,332 hanggang 17,967 kapag matagal ang pagtutukoy at pag-isolate sa positibo sa virus.

severe at critical cases

Sinabi pa ni Vergeire na batay naman sa pagtaya ng severe at critical cases sa ilalim ng Alert Level 4, posible itong bumaba sa 527 hanggang 849 sa katapusan ng buwan kung maigsi ang isolation time at nasa 616 hanggang 992 cases kapag matagal ang detection to isolation time.

Sa ilalim naman ng Alert Level 3, ang severe at critical cases ay inaasahang tataas sa 703 hanggang 1,235 kapag maigsi ang isolation time at nasa 855 hanggang 1,516 cases kung matagal ang detection to isolation time.

“We would like to emphasize to that these projections show how important decreasing detection to isolation time is,” diin ni Vergeire.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: