Breaking News

Share this information:

MALAKI umano ang ibinulusok ng bilang ng mga naipanganak nuong taong 2020, pinakamababa sa nakalipas na halos tatlo’t kalahating dekada.

Tinukoy ng Commission on Population and Development (POPCOM) ang paunang ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) nuong Hunyo 2021 na umabot lamang sa 1,516,042 million ang nairehistrong naipanganak sa bansa nuong nakaraang taon na kasagsagan ng pandemiyang dulot ng COVID-19.

Pinakamababa umano ito mula nuong 1986 na nasa 1,493,995 Pilipino lamang ang napanganak. Ang bilang ng mga naipanganak nuong 2020 ay mas mababa ng 157,881 kumpara nuong 2019.

Maliban sa mga naisilang na sanggol, bumaba rin ang bilang ng mga ikinasal nuong 2020, pinakamababa sa nakalipas na 20 taon.

Ayon sa POPCOM, umabot lamang sa 240,183 na magkasintahan ang nagpakasal, 44-porsyentong mas mababa sa naitala nuong 2019 na 431,972.

Nabatid kay Undersecretary for Population and Development (POPDEV) Juan Antonio Perez III, na ang pagbulusok ng 2020 birthrate ay maaaring bunga ng pagkaunti ng mga ikinasal, ayaw munang manganak ng ilang ginang at gumagamit ng modernong family planning method upang maiwasan ang hindi planadong pagbubuntis.

“This is because they are “well-aware of the possible hardships and inconveniences in securing medical, as well as family planning services, since the pandemic has severely impeded health-care systems,” ayon kay Perez.

Naniniwala pa si Perez na kahit ngayong 2021 ay posibleng maulit ang pagbaba ng bilang ng mga ikinakasal, nagbubuntis at nanganganak.

The number of those who gave birth between January and March 2021 were at 268,000, compared with the normal trend of 350,000. If that continues, we can see an even smaller addition to the population by year-end,” pahayag ni Perez na tinukoy din ang posibilidad na naaantala ang pagpaparehistro ng panganganak dahil na rin sa pandemya.

“Filipinos will eventually learn to live with COVID-19. As such, we may see increased births after the era of Covid, with family planning helping couples avoid unplanned pregnancies, unlike in the late 1940s and 1950s when there was no family planning program,” dagdag pa ng opisyal.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: