Limang sabungero, arestado sa tupada sa Malabon

Share this information:

ARESTADO ang limang sabungero, kabilang ang isang barangay tanod, matapos salakayin ng mga pulis ang isang ilegal na tupadahan sa Malabon City.

Kinilala ni Malabon police chief Col. Joel Villanueva ang naaresto na sina Rey Castillo Sr., 39 anyos, barangay tanod, Levy Galangue, 48 anyos, ceiling installer, Renante Ragasa, 27 anyos, Eddie Sanchez, 44 anyos, at Ronel Gregana, 31 anyos, at pawang residente ng lungsod.

Sa imbestigasyon nina PSSgt. Jeric Tindugan at PCpl. Renz Marlon Baniqued, nakatanggap ng tawag sa cellphone mula sa isang BIN informant ang mga tauhan ng Malabon Police Station Intelligence Section (SIS) hinggil sa nagaganap na ilegal na tupadahan sa Dampsite Sitio 6, Brgy. Catmon.

Kaagad bumuo ng team ang SIS sa pangunguna ni PLt. Joseph Alcazar, kasama ang Sub-Station 4 sa pangunguna ni PLt. Edgardo Magnaye sa ilalim ng pangangasiwa ni Col. Villanueva.

Matapos nito, sinalakay ng mga tauhan ng SIS at SS4 ang naturang lugar dakong alas 2:40 ng hapon na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.

Nakumpiska ng mga pulis sa lugar ang dalawang patay na panabong na manok na may tari at P3,600 bet money.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Nangulila sa pamilya, mister, nagbigti

Wed May 5 , 2021
WINAKASAN ng isang mister ang kanyang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili dahil sa depresyon sa Malabon City kamakalawa ng hapon. Kinilala ang biktima na si Michael Bondoc, 44 anyos, ng 9F Gutierrez St. Brgy. Panghulo. Sa report nina police investigators PSSgt. Jeric Tindugan at PSSgt. Michael Oben […]

Follow Us

%d bloggers like this: