Nangulila sa pamilya, mister, nagbigti

Share this information:

WINAKASAN ng isang mister ang kanyang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili dahil sa depresyon sa Malabon City kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Michael Bondoc, 44 anyos, ng 9F Gutierrez St. Brgy. Panghulo.

Sa report nina police investigators PSSgt. Jeric Tindugan at PSSgt. Michael Oben kay Malabon police chief Col. Joel Villanueva, dakong alas 4:30 ng hapon nang madiskubre ang walang buhay na katawan ng biktima ng kanyang menor-de-edad na pamangking babae na nakabigti gamit ang electric wire sa loob ng kuwarto nito.

Ayon kay P/Major Carlos Cosme, hepe ng Sub-Station 3, isang drug surenderee ang biktima na dumanas ng depresyon dala ng problema sa pamilya at pangungulila sa kanyang asawa at dalawang anak na lalaki na umuwi sa kanilang probinsya sa Capiz.

Sa pahayag sa pulisya ng ina ng biktima na si Celdita, noong nakaraang linggo ay nagtangka ng magpakamatay ang kanyang anak sa pamamagitan ng paglaslas sa pulso nito.

Tumanggi naman ang pamilya ng biktima para sa imbestigasyon ng pulisya at pagsasailalim sa bangkay nito sa autopsy examination at gumawa na lamang ng isang waiver dahil naniniwala sila na nagpakamatay ang biktima.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Guillermo Eleazar named as the next PNP Chief

Wed May 5 , 2021
Police Lieutenant General Guillermo Eleazar is the next chief of the Philippine National Police. This was announced today by Interior Secretary Eduardo Año. Eleazar will replace Police General Debold Sinas, who is set to retire on May 8. Eleazar said that becoming a Chief PNP is a rare opportunity but […]

Follow Us

%d bloggers like this: