Mag-inang nang-hack sa FB, laglag sa NBI sa kasong robbery-extortion

Share this information:

Dalawang indibidwal ang nasakote ng mga ahente ng NBI-National Capital Region (NBI-NCR) sa isang entrapment operation dahil sa kasong robbery extortion sa Sta. Mesa, Maynila.

Kinilala sila na si Jingky Joy Sena at kanyang ina na si Maricar Sena.

Ayon kay NBI Director Eric Distor, nagreklamo ang biktima sa  NBI-Sarangani Districti Office (NBI-SARDO). Ayon sa biktima, hinack ni Jingky ang kanyang Facebook account  at pinalitan ang kanyang password.

Kasunod nito, nagpadala ang mga suspek ng ilang sex videos ng biktima sa pamamagitan ng kanyang FB account sa kanyang mga kaibigan.

Hiningan din siya ng pera para tigilan na ang pagpapadala ng  sex videos ng biktima sa ibang tao.

Dahil sa takot ng biktima sa mag-ina, nagpadala ito  ng pera sa pamamagitan bg Palawan Express sa Maynila. 

Pinayuhan naman ng NBI-SARDO sa General Santos City ang biktima na maghain ng reklamo sa NBI-NCR kaya sila lumuwas.

Napag-alaman kasi na ang mga suspek ay nakatira sa Maynila.

Kasunod nito nakipag-ugnayan ang  NBI-NCR sa tamang ahensya para sa entrapment operation.

Naaresto ang mag-ina habang kini-claim ni Maricar ang pera sa Palawan Express Pureza Branch, Sta. Mesa, Maynila na nagkakahalaga ng P1,500 at P500 na ipinadala mula sa Palawan Express Gen. Santos City branch. 

Matapos maaresto si Maricar, itinuro nito ang kinaroroonan ng kanyang anak na si Jingky kung saan naman ito naaresto.

Mahaharap sa kasong Robbery Extortion na may kaugnayan sa  RA 10175 o  Cyber Crime Prevention Act of 2012, at paglabag sa R.A. 9995, o “Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009” ang mag-inang suspek. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Limang sabungero, arestado sa tupada sa Malabon

Wed May 5 , 2021
ARESTADO ang limang sabungero, kabilang ang isang barangay tanod, matapos salakayin ng mga pulis ang isang ilegal na tupadahan sa Malabon City. Kinilala ni Malabon police chief Col. Joel Villanueva ang naaresto na sina Rey Castillo Sr., 39 anyos, barangay tanod, Levy Galangue, 48 anyos, ceiling installer, Renante Ragasa, 27 […]

Follow Us

%d bloggers like this: