Limang lalawigan sa Timog Katagalugan, “insurgency-free” na — Philippine Army

Share this information:

Camp Capinpin, Tanay, Rizal–Idineklara na ng Philippine Army (PA) ang limang lalawigan sa Timog Katagalugan (Southern Tagalog) bilang “Insurgency Free.”

Ginawa ang deklarasyon kasabay ng ika-52 anibersaryo ng pagkakatatag ng rebeldeng komunistang grupo na New Peoples Army (NPA) kahapon, Marso 29,

Kabilang  sa mga lalawigang ito ay ang mga nasasakupan ng 2nd Infantry Division (2ID) tulad ng lalawigan ng Cavite na idineklara na insurgency-free noon pang Disyembre 4, 2018. Sumunod ang lalawigan ng Romblon noong Pebrero 21, 2018, Marinduque noong Marso 26, 2019, Laguna noong Setyembre 26, 2019 at Batangas nito lamang Marso 10, 2021.

Naabot na ng mga lalawigang ito ang Stable Internal Peace And Security or (SIPS) status na kung saan ang mga lugar na ito ay pasok sa mga parameter na itinalaga ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na walang nangyaring anumang aktibidades ng NPA sa loob ng isang taon.

Samantala, umabot na sa 702 rebelde ang nagbalik-loob sa gobyerno  simula noong taong 2016.

Nabigyan na din ng benepisyo mula sa programa ng gobyerno na  Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP ang halos 393 na mga dating rebelde na aabot na sa P700,000 habang 309 pa ang nasa proseso.

Sa kanilang talaan, 29 teroristang NPA ang nasawi sa mga nangyaring engkwentro habang 58 rito ay nahuli habang maigting na ipinatutupad ang batas laban sa tangkang terorismo sa bansa na nagsimula pa noong isang taon.

Sa pahayag ni BGen. Rommel Tello, Acting Commander ng 2nd Infantry Division, ”The NPA cannot truly earn victory against the people in Southern Tagalog. Today, instead of celebrating, they shall only begin to accept their irrelevance to the Philippine history with 2ID’s continuous decimation of its forces in our area of responsibility.”

Magpapatuloy din ang Jungle Fighter Division sa pagpapaigting ng kampanya laban sa terorismo hanggang sa maubos ang nalalabing NPA sa buong Southern Tagalog bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na taon.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.