Sekyu sugatan sa pamamaril sa Malabon

Share this information:

Nasa malubhang kalagayan ang isang security guard matapos barilin ng isang hindi pa nakikilalang suspek makaraang komprontahin nito ang biktima sa Malabon City kahapon ng madaling araw.

Kasalukuyang inoobserbahan sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong tama ng bala sa kaliwang braso na tumagos sa katawan ang biktimang si Ronnie Fernandez, 27 anyos,  ng Blk 48, Lot 31 Phase 3 Pampano St. Brgy. Longos.

Sa imbestigasyon nina PMSgt. Julius Mabasa at PSSgt. Ernie Baroy, dakong 3:30 ng madaling araw, galing ang biktima sa kalapit na tindahan upang bumili ng sigarilyo at nang iparada niya ang kanyang motorsiklo sa basketball court ay nilapitan siya ng suspek saka sinabihan “May problema ka ba, ang angas mo ah.”

Hindi ito pinansin ng biktima na bumaba sa kanyang motorsiklo subalit nang papunta na ito sa kanyang boarding house ay binaril siya ng suspek bago mabilis na tumakas ito sa hindi pa matukoy na direksyon.

Humingi naman ng tulong ang biktima sa kanyang mga kapitbahay saka inireport ang insidente sa Sub-Station 5 bago siya dinala sa nabanggit na pagamutan.

Ipinag-utos na ni Malabon police chief Col. Angela Rejano sa kanyang mga tauhan ang follow up investigation sa posibleng pagkakakilanlan at pagkakaaresto ng suspek.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

No place to dump infectious wastes

Fri Jan 29 , 2021
THE Philippines doesn’t have an appropriate place to dump 5,000 tons of medical wastes generated on a monthly basis from the time coronavirus hit the country. Instead, garbage of this type have been dumped in sanitary landfills and handled by inadequately-equipped solid waste management personnel whose health are compromised amid […]

Follow Us

%d bloggers like this: