Breaking News

Share this information:

TODAS ang isang construction worker matapos itong barilin ng kanyang dating kapitbahay na isang na-dismiss na pulis na may matagal na umanong kinikimkimna galit sa biktima sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawing biktima na si John Kenneth Tamba, 25 anyos, ng Evangelista St., Brgy. Arkong Bato.

Nakapiit naman ngayon habang nahaharap sa kasong Murder at paglabag sa R.A. 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regular Act” ang suspek na kinilalang si Richard Brian Julongbayan, 33 anyos, dating pulis na may ranggong patrolman at residente ng Cuadra St., Coloong 1 ng lungsod.

Sa report ni PSSgt. Laude Pillejera kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr., dakong alas-8 ng gabi nang barilin ng suspek ang biktima sa mismong bahay nito sa Evangelista St. na nagresulta ng agaran nitong kamatayan sanhi ng dalawang tama ng bala sa katawan.

Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang suspek subalit kaagad naman itong naaresto sa follow-up operation ng pinagsamang mga tauhan ng Station Investigation Unit sa pangunguna ni PLt. Robin Santos, Sub-Station 5, Detective Management Unit, SWAT, Station Intelligence Branch, katuwang ang tanggapan ng Barangay Arkong Bato sa pamumuno ni Kapitana Cristina Marie Feliciano.

Narekober mula sa suspek ang isang kalibre .40 na baril, isang magasin na may 11 bala, at isang holster.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: