Breaking News

Share this information:

SINALAKAY ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) Hermosa ang isang suspected drug den sa Hermosa Heights, Brgy. Culis, Hermosa, Bataan.

Ayon Kay Hermosa Police Chief, Police Major Melanio Santiago, nagresulta ito ng pagkakadakip sa limang katao na nakilalang sina Robert Ronquillo, 38 anyos, taga San Benito, Dinalupihan, Bataan; Lily Grace Bahala, 39 anyos, taga San Benito, Dinalupihan; Jefferson Basilio, 37 anyos, taga Naparing, Dinalupihan; Eigie Baka, 18 anyos, nakatira sa Valenzuela City; at Arnel Garcia, 24 anyos, taga Hermosa Heights, Hermosa, Bataan.

Nakuhang ebidensya ang hinihinalang shabu na may timbang na 12 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P81,600; marked money na P500 at assorted drug paraphernalia.

Kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang isasampang kaso laban sa mga nadakip.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: