Lima, tiklo sa shabu sa Caloocan at Valenzuela

Share this information:

Timbog ang limang hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang bebot matapos makuhanan ng higit sa P.1-milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na drug operation ng pulisya sa mga lungsod ng Caloocan at Valenzuela.

Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr., dakong 9:50 ng gabi nang respondehan ng mga tauhan ng Sub-Station 15 ang natanggap na text message mula sa isang concerned citizen hinggil sa nagaganap umanong shabu session sa 657 Anonas St., Amparo Subd, Brgy. 179.

Pagdating sa lugar, nakita nina PCpl. Rodolfo Domingo II at Pat. Gellord Catapang si Jhon Lester Mayor, 19, at Raymond Debangco,  28, na sumisinghot ng shabu kaya’t agad nilang inaresto ang mga suspek.

Nakumpiska sa mga suspek ang tatlong medium plastic sachets na naglalaman ng nasa 15.06 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P102,408 ang halaga at ilang drug paraphernalia.

Sa Valenzuela naman, nadakma ng mga operatiba ng Valenzuela Police Station Drug Enforecment Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLt. Robin Santos sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Fernando Ortega sa buy-bust operation sa Blk 3, Compound 2, Sitio Kabatuhan, Brgy. Gen. T. Deleon St. sina Wilfredo Paragas Jr. alyas Nog-nog, 34, Cherry Deloria, 32, at Jaspher Reyes, 24, bandang alas-12:15 ng madaling araw.

Narekober sa kanila ang nasa P34,000 halaga ng hinihinalang shabu, P500 marked money, cellphone at P500 bills.

Nahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Aksiyon ng pulis, giit sa harap ng magkaka-sunod na pagpatay sa Malabon

Wed Jan 13 , 2021
Walong katao, isa na rito ang punong barangay ng Hulong Duhat, ang pinatay sa pamamaril ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa loob lamang ng dalawang linggo sa lungsod ng Malabon. Kaugnay nito, nagtalaga ng 100 pulis si Northern Police District (NPD) director Police Brig. Gen. Eliseo DC. Cruz bilang […]

Follow Us

%d bloggers like this: