“Chop-chop” na katawan ng lalaki, natagpuan sa Los Baños

Share this information:

CALAMBA CITY, LAGUNA–Natagpuan kahapon ng umaga ang tatlong itim na plastic bag na naglalaman diumano ng putol-putol na bahagi ng katawan ng isang lalaki.

Ang mga plastic bag ay natagpuan sa Jamboree Site, Brgy. Batong Malake, Los Baños, Laguna dakong alas 8:46 ng umaga.

Natagpuan ng dalawang testigong sina Rolando Natanauan Enriquez at Joppy Agus dela Cruz ang mga plastic bag. Sinasabing ang chop-chop na katawan ng lalaki na may tattoo na tila Chinese character. Hinihinalang itinapon lamang ang mga plastic bag sa lugar ng mga di pa nakikilang suspek.

Masusing pagsisiyasat ng pulisya ng Los Baños ang isinasagawa sa pagkakakilanlan sa bangkay na iniwan din ang kanyang putol na ulo.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Lima, tiklo sa shabu sa Caloocan at Valenzuela

Wed Jan 13 , 2021
Timbog ang limang hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang bebot matapos makuhanan ng higit sa P.1-milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na drug operation ng pulisya sa mga lungsod ng Caloocan at Valenzuela. Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr., dakong 9:50 ng gabi nang respondehan ng mga […]

Follow Us

%d bloggers like this: