Lalaki, itinumba sa Malabon, patay

Share this information:

Bumulagtang duguan at wala nang buhay ang katawan ng isang lalaki matapos pagbabarilin ito ng dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek sa Malabon City kamakailan.

“Dead on the spot” sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa ulo at katawan ang biktimang si Sonny Boy Pardillo, 39 anyos, ng Phase 2, Paradise Village, Brgy. Tonsuya.

Sa report nina PMSgt. Julius Mabasa at PSSgt. Ernie Baroy kay Malabon police chief Col. Angela Rejano, dakong 12:15 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Paradise St., Paradise Village, Brgy. Tonsuya.

Lumabas sa imbestigasyon na naglalakad ang biktima sa naturang lugar pauwi mula sa P. Aquino St. nang sundan siya ng dalawang armadong mga suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril sa ulo at katawan.

Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang mga suspek patungong Paradise Village habang kaagad namang nagsagawa ng dragnet operation ang mga pulis subalit nabigo ang mga ito na maaresto ang mga salarin.

Narekober ng rumespondeng mga tauhan ng SOCO sa pinangyarihan ng krimen ang 13 basyo ng bala mula sa hindi pa matukoy na kalibre ng baril.

Patuloy naman ang follow-up na imbestigasyon ng pulisya sa posibleng pagkakakilanlan at pagkaka-aresto sa mga suspek habang inaalam pa ang tunay na motibo sa insidente.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Alkalde sa CAMANAVA at AstraZeneca, nagkasundo sa bilihan ng COVID-19 vaccine

Mon Jan 11 , 2021
Tiniyak ng apat na alkalde ng CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela) sa kani-kanilang mga nasasakupan na magkakaroon na ng bakuna para sa COVID-19 na magagamit sa kanila simula sa ikalawang quarter ng taon. Ito ay matapos ihayag ng mga alkaldeng sina Oscar Malapitan (Caloocan), Antolin Oreta III (Malabon), Toby […]

Follow Us

%d bloggers like this: