Likha ng Bataeños Trade Fair, binuksan sa Balanga City

PORMAL nang binuksan nitong Miyerkules ang “Likha ng Bataeños Trade Fair” ng Department of Trade and Industry (DTI) Bataan sa Waltermart sa Balanga City, Bataan.

Ayon kay DTI Bataan Provincial Director Nelin Cabahug, umabot sa 49 ang mga exhibitor na sumali na nagtatampok ng mga produktong Bataeño mula ngayong Miyerkules, Oktubre 27 hanggang sa Biyernes, Oktubre 29, 2021.

Sa naturang bilang, 33 ang food products at 16 naman ang non-food na mga micro, small at medium enterprises o MSMEs ng Bataan na lumahok sa Likha ng Bataeños Trade Fair. 

Nitong katatapos na Likha ng Central Luzon Trade Fair kamakailan na ginanap naman sa SM City Olongapo Central ay nakapagtala ng P922,301 halaga ng benta ang mga lumahok na MSMEs ng Bataan. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.