Driver, natagpuang patay sa Malabon

Share this information:

PALAISIPAN sa pulisya ang pagkamatay ng isang 54-anyos na lalaki na natagpuang wala ng buhay at nakadapa sa tinutuluyang bahay sa Malabon City Martes ng madaling araw.

Huling nakitang buhay si Roy Marco, driver ng isang malaking medical laboratory, ng kanyang kasamahan sa trabaho na is Teofilo Casipong, 56 anyos, dakong alas-11 ng gabi ng Lunes na nakahiga sa kama sa loob ng tinutuluyan nilang bahay sa 707 Gov. Pasucal St., Brgy. Potrero.

Gayunman, dakong alas-3 ng madaling araw ng Martes, nakita na lamang ni Casipong ang biktima na nakadapa sa sahig at napansin niyang hindi na humihinga kaya’t kaagad siyang humingi ng tulong at ipinagbigay-alam sa mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 1 ang pangyayari.

Sa pahayag ni Casipong sa pulisya, wala naman siyang napupunang karamdaman sa biktima at naging ugali na raw nito na gumising ng maaga upang pakainin muna ang mga alaga nitong manok bago pumasok sa kanilang pinaglilingkurang kompanya.

Iniutos naman ni Malabon police chief P/Col. Albert Barot na isailalim sa autopsy examination ang bangkay ni Marco upang alamin kung ano ang naging sanhi ng maaga nitong kamatayan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Mangingisda, patay matapos mabagok ang ulo sa semento

Thu Oct 28 , 2021
WALA nang buhay ang isang 41-anyos na mangingisda matapos umanong mabagok ang ulo nito sa semento nang dumulas ang sinasakyang bisikleta habang papalabas ng kanilang garahe sa Navotas City Miyerkules ng umaga. Wala ng buhay nang matagpuan ni Marygrace Calibjo, 42 anyos, ang kanyang nakababatang kapatid na si Johan Calibjo […]
%d bloggers like this: