Lider ng online prostitution sa Korea, arestado sa Pampanga

INARESTO ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Korean national na wanted sa kanilang bansa dahil sa pago-operate ng online prostitution advertising site.

Inihayag ni BI Commissioner Jaime Morente ang ginawang pag-aresto kay Seo Jungnam, 41, sa Amor Riverside Anunas, Angeles City, Pampanga ng mga operatiba ng BI Fugitive Search Unit (BI-FSU).

Ang operasyon ay isinagawa sa pakikipagtulungan sa mga awtoridad ng Korea matapos makatanggap ng imporamasyon na si Seo ay wanted sa Korea na may Interpol Seoul Notice noong Disyembre.

Ayon kay BI FSU Chief Bobby Raquepo, si  Seo ay naninirahan na sa Pilipinas simula pa noong 2015 at siya ay suspek sa isang exploitation at prostitution case sa  Korea matapos itong maglagay ng isang prostitution advertisement online.

Dahil dito,  isang arrest warrant ang inisyu laban sa kanya ng Uijeongbu District Court sa  Korea noong 2018. 

Si  Seo, kabilang ang kanyang mga kasapakat, ay kumita ng halos 32M Korean Won o P1.3M dahil sa pago-operate ng nasabing online prostitution site na may pangalang Payboy.

“We received information from our Korean counterparts that Seo’s passport is also undergoing revocation, making him an undocumented alien,” paliwanang ni pa Raquepo.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.