Dagdag-benepisyo ng solo parents, aprubado na sa Kamara

PINAL nang napagtibay sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na layong mabigyan ng karagdagang benepisyo ang mga solong magulang.

Sa botong 208 na mga kongresistang pabor, lusot na ang House Bill 8097 na nag-aamyenda sa Republic Act 8972 o Solo Parents Welfare Act of 2000.

Sakaling tuluyang maisabatas, kuwalipikado ang mga solo parent na kumikita ng hindi hihigit sa P250,000 kada taon para sa dagdag na 10-porsyentong diskuwentro ng kanilang bibilhing basic needs ng anak o mga anak na mag-isa niyang pinalalaki.

Ginagarantiya rin ang full scholarship ng anak ng solo parent sa ano mang government educational programs.

Magiging prayoridad din ang mga solong magulang sa mga oportunidad sa pangkabuhayan at trabaho at ang mga establisyimento na kukuha ng solo parents bilang empleyado ay mabibigyan ng tax incentives.

Maliban dito, para sa mga establisyimentong nagbibigay ng diskuwento sa solo parents ay may makukuha ring tax deductions.

Tinitiyak pa sa panukala ang medical at health welfare ng solo parents dahil magiging prayoridad sila sa serbisyo ng mga ospital at medical facilities ng gobyerno.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.