Mga kaso ng COVID-19 sa bansa, nasa 505,939 na

Share this information:

Pumalo na sa 505,939 ang kabuuang bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa bansa.

Ito ay matapos magtala ng karagdagang 1,862 na bilang ng mga bagong kaso ngayong araw, ayon iyan sa pinaka-bagong Case Bulletin na inilabas ng Department of Health (DOH).

May bago namang 765 na gumaling sa sakit, dahilan para umabot na sa 466,993 ang mga naka-rekober sa COVID-19.

Bahagyang mataas naman ang naitalang namatay sa sakit ngayong araw na nasa 64, dahilan upang magng 10,042 na ang namamatay sa Corona virus disease.

Sa ngayon, ang aktibong kaso ay umabot muli sa 28,904 kung saan ang mga pasyente ay kasalukuyang nagpapagaling.

Mataas naman ang naitalang kaso ng COVID-19 sa Zamboanga City na nakapagtala ng 206 sa isang araw.

Sinundan ito ng Davao City na mayroong 109; Kalinga,102; Quezon City, 77 at Benguet, 74.

Samantala, sinabi ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire  sa media forum ng DOH ngayong Miyerkules na binabantayan na at patuloy na minomonitor na ang Cordillera Administrative Region (CAR) dahil sa pagtaas ng mga kaso  sa nasabing mga lugar tulad ng Benguet at Kalinga.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Mandaluyong health workers to undergo vaccination training

Wed Jan 20 , 2021
The Mandaluyong City Health Office said that a total of twenty-eight (28) health workers and representatives from the city’s public and private hospitals have already finished their online orientation under the Department of Health (DOH) regarding the COVID-19 vaccination program of the local government. Upon completion of training, it will […]

Follow Us

%d bloggers like this: