Libreng swab test, alok ni Yorme Isko sa cinema workers

Share this information:

Nag-alok ng libreng swab test si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso  sa mga manggagawa sa mga sinehan.

Ito ay kasunod ng naging rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases na payagan nang magbukas ang mga sinehan, theme park at museo, at iba pa sa ilalim ng general community quarantine (GCQ).

Sinabi ng alkalde na kailangang magkaroon ng swab testing sa mga empleyado ng mga sinehan  bago payagan ng local na pamahalaan ang mga malls na magbukas ng kanilang sinehan.

“Hindi ko bubuksan ang cinema hangga’t di natetest ang workers,” binigyan diin ng alcalde sa kanyang pakikipagpulong  sa mga managers ng SM Manila, SM San Lazaro, Robinsons Manila at Lucky Chinatown.

“We will extend assistance. Those who wanted to work, you have to follow this simple guidelines, this is also for their own good and their community,” dagdag pa ng alkalde.

Isasailalim sa swab test ng Manila Health Department ang mga janitor, security guard, teller, usher, porter, ticket teller, at  mga snack bar attendant.

Naniniwala ang alkalde na bagama’t magdudulot ng pagsisikip ng trapiko sa mga pampublikong lugar ang muling pagbubukas ng mga sinehan, ito rin aniya ay makakatulong sa mga negosyo na makaahon  lalo na sa mga lubos na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Kaugnay nito, hiniling ni Domagoso sa mga mall manager na magprisinta ng kanilang paghahanda sa pagbubukas ng mga sinehan bilang pagsunod sa national government health protocols.

Sinabi naman ng SM mall manager na  “two-seats-apart arrangement” ang kanilang ipapatupad  habang ang Robinsons Malls ay one-seat-apart arrangement.

Sinabi naman ng mg Lucky Chinatown manager na dalawang sinehan lamang ang kanilang bubuksan.

Lahat ng mall manager ng mga nasabing mall ay magpapatupad ng  “No Face Mask, No Face Shield, No Entry” policy.

“Ang assurance ko sa inyo ay the city is aggressive. You have the support of the city, I agree with the opening of the cinema because I believe in you, that you are responsible citizens,” pahayag pa ni Domagoso. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Bagong kaso ng COVID-19, umabot sa 1,685 ngayong araw

Mon Feb 15 , 2021
Nakapagtala pa ng mataas na bilang ng bagong kaso ngayong araw ang Department of Health (DOH). Sa inilabas nitong Case Bulletin, nasa 1,685 na bagong kaso ang naitala ngayong Pebrero 15. Bunsod nito, umabot na sa kabuuang 550,860  ang tinatamaan ng naturang sakit sa bansa. Ang mga gumaling naman ay […]

Follow Us

%d bloggers like this: