Bangkay, natagpuan malapit sa mall

Share this information:

Natagpuan  ng dalawang janitor ng mall ang isang bangkay na nakasilid sa asul na sako sa Sta. Rosa City, Laguna kahapon.

Nakita nina Balbino Tangson Cambal, 28 anyos, at residente ng Daang Nia Road, at Marjunel Batiancila Sanchez, 32 anyos, ng Block 3 Lot 3 Villa De Oro Subd., Brgy. Tagapo, Sta. Rosa City  ang walang buhay na lalaki na naka asul na guhitang pang itaas. maong na pantalon at puting rubber shoes.

Ayon sa mga saksi bandang alas 7:50 ng umaga habang naglilinis sila sa likurang bahagi ng SM Mall  sa Access Road sa Brgy. Tagapo, Sta.Rosa ay nakita nito ang isang kahinahinalang sako.

Nang kanila itong buksan, tumambad ang bangkay ng lalaki kaya’t mabilis na tumawag sa Sta. Rosa Police Station ang mga saksi upang ipagbigay-alam ito.

Siniyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) na pinangunahan ni PMaj. Sheila Cajiliog ang nasabing bangkay at dinala sa John Paul Funeral Parlor upang ma –autopsy.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Libreng swab test, alok ni Yorme Isko sa cinema workers

Mon Feb 15 , 2021
Nag-alok ng libreng swab test si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso  sa mga manggagawa sa mga sinehan. Ito ay kasunod ng naging rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases na payagan nang magbukas ang mga sinehan, theme park at museo, at iba pa sa ilalim ng […]

Follow Us

%d bloggers like this: