Bagong kaso ng COVID-19, umabot sa 1,685 ngayong araw

Share this information:

Nakapagtala pa ng mataas na bilang ng bagong kaso ngayong araw ang Department of Health (DOH).

Sa inilabas nitong Case Bulletin, nasa 1,685 na bagong kaso ang naitala ngayong Pebrero 15.

Bunsod nito, umabot na sa kabuuang 550,860  ang tinatamaan ng naturang sakit sa bansa.

Ang mga gumaling naman ay nadagdagan ng 14 kaya umabot na sa kabuuang bilang na 511,755.

Mayroon namang  dalawa lamang na mga pumanaw, dahilan para maging  11,517  na ang namamatay sa sakit.

Nasa 27,588 naman ang mga aktibong kaso na patuloy na ginagamot sa mga pasilidad at ospital.

Samantala, isang duplicate  lamang ang inalis sa total case count habang dalawang kaso ang na-tag na recoveties ang  na-reclassify matapos ang final validation.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.