Libreng Sakay sa mga electric vehicles, magsisimula ngayong Pebrero sa Bataan

BATAAN – Inihayag ng pamahalaang panglalawigan ng Bataan na magsisimula na ngayong Pebrero ang pagbiyahe ng dalawang electric vehicles (EVs) sa lalawigan, kung saan layon nitong makatulong na mabawasan ang carbon footprint sa lalawigan.

Ang paglunsad ng libreng transportasyon sa ilalim ng proyektong ito ay magiging kahalili sa tradisyunal na pampasaherong sasakyan at upang mabigyan ng mas maginhawang biyahe angmga residente ng Bataan, lalo na ang mga may transakyon sa mga ahensya ng pamahalaan.

Pinirmahan na kamakailan ang Memorandum of Agreement (MOA) para sa proyektong ito, na pinangunahan ni Bataan Governor Joet Garcia, kasama sina Vice Governor Cris Garcia, Abucay Mayor Robin Tagle, Genpact Philippines Vice President Arnold Pagcaliwagan, at Global Electric Transport – Get Philippines Inc. Managing Director Anthony Dy.

Ang pampasaherong EVs na ito ay naglalayong mapabuti hindi lamang ang transportasyon sa Bataan kundi pati na rin ang pangangalaga sa kalikasan. Naitakda na rin ang mga loading at unloading points sa mga piling munisipyo sa lalawigan.

Hinikayat din ng mga opisyal ang mga residente na i-download ang GET Pass App, isang mobile application na makakatulong sa real-time na pagtukoy sa lokasyon ng sasakyan at ang oras ng kanilang pagdating sa mga pick-up point. Ang nasabing app ay maaaring i-download sa mga sumusunod na link: Android: GET Pass App sa Google Play, at sa iOS: GET Pass App on App Store.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.