IPINAG-UTOS ng Maritime Industry Authority o MARINA ang pag-suspinde sa operasyon ng dalawang sasakyang pandagat na sangkot sa banggaan sa karagatan sakop ng Matoco Point,Batangas City.
Agad namang nagpadala ang MARINA ng technical personnel mula sa kanilang Enforcement Service upang magsagawa ng safety investigation sa napaulat na banggaan sa pagitan ng MB “HOP & Go 1” at “MV Ocean Jet 6” nitong Miyerkules, Enero 31.
“Our MARINA Regional Office in Batangas City has already issued suspension of the Recreational Boat Safety Certificate (RBSC) of MB ‘HOP and GO 1’ and the Passenger Ship Safety Certificate (PSSC) of ‘MV Ocean Jet 6,'” ayon sa MARINA.
Ang dalawang sasakyang pandagat ay isasailalim sa masusing inspeksyon sa kaligtasan upang matukoy ang kanilang “seaworthiness.”