Breaking News

Share this information:

ITINAAS pa ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ang limitasyon nito sa libreng dialysis na tatagal hanggang Disyembre 31 ng kasalukuyang taon.

Ayon sa PhilHealth, mula sa kasalukuyang 90 sessions na libre ay gagawin na itong 144 sessions.

Sa ilalim ng Circular No. 2024-0009, masasakop ng expanded hemodialysis coverage ang mga miyembro at kanilang dependents na may chronic kidney disease stage 5 (CKD 5) at naka-enroll sa PhilHealth Dialysis Database (PDD).

Paglilinaw ng PhilHealth, hindi na magagamit sa 2022 ang mga sesyon na hindi ma-a-avail ngayong taon.

Prior to the publication of this PhilHealth Circular, qualified CKD 5 patients who already used their 91st to 144th hemodialysis sessions and whose hemodialysis benefits have not yet been deducted from their medical bill, may directly file with PhilHealth regional/branch office or local health insurance office,” saad ng circular.

Aminado ang state insurer na matindi ang epekto ng COVID-19 pandemic hindi lamang sa kabuhayan kundi sa buhay ng mga tao at nananatili itong mabigat na hamon sa health system ng bansa.

The cost of hemodialysis can be a financial barrier in accessing healthcare and can push the patients and their families to financial hardships,” ayon sa PhilHealth.

Cognizant to the needs of its members, PhilHealth intends to increase the coverage of hemodialysis while balancing the available resources to fund this benefit,” dagdag nito.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: