Lianhua Qingwen, prescription medicine pero hindi rehistrado bilang gamot sa COVID-19

Share this information:

Nilinaw ng Department of Health (DOH) at Food and Drug Administration (FDA)  na ang Lianhua Qingwen ay  isang prescription medicine na inaprubahan ng FDA  sa Pilipinas  ngunit  hindi nakarehistro  bilang gamot laban sa COVID-19.

Maliban dito,  ang papel na ginagampanan ng FDA  ayon sa Republic Act 3720 ay magbigay ng lisensya, subaybayan at i-regulate ang mga gamot tulad ng Lianhua Qingwen para sa kaligtasan ng mga Pilipino.

Anumang pagkain o medical products na hindi rehistrado sa Pilipinas  ay hindi dapat ibenta at isasailalim sa pagkumpiska  kung kaya’t ang FDA ay nag-isyu ng  Advisory No. 2020-767 bago ang pagpaparehistro ng Lianhua Qingwen.

Ayon pa sa DOH, August 7, 2020 lamang  nang makakuha sa FDA ang Lianhua Qingwen ng registration  pero para lamang sa layunin ng paggamit bilang traditional  herbal product  na nakakatulong na magtanggal ng heat-toxin invasion sa baga kasama na ang mga sintomas tulad  ng lagnat, pag-iwas sa lamig, sakit ng kalamnan, barado  at runny nose.

Bilang karagdagan, ang paggamit ng Lianhua Qingwen ay  pinapayagan lamang  kung may reseta galing sa isang doctor. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.