Budget sa 1k ayuda, natanggap na ng lungsod ng Maynila

Share this information:

Natanggap na ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang budget mula sa national government upang ipamigay sa mga  apektado ng Enhanced Community Quarantine (ECQ). 

Ito ang masayang ibinahagi ni Manila Mayor Francisco Domagoso kung saan aabot sa 1,523,270,000  ang budget na ibabahagi sa mga low-income na mga pamilya na nakatira sa National Capital Region (NCR) Plus bubble. 

Kasalukuyang pinagmimitingan ng Manila LGU kung paano ipamamahagi ang ayuda. 

Una ng sinabi ni Domagoso na cash ang matatanggap ng mga Manileño sa halip na ” in kind.” 

 Ang NCR Plus Bubble  ay isinailalim sa ECQ simula Marso 29 hanggang Abril 11 bunsod na rin ng mataas na bilang ng mga kaso ng COVID-19. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.