Legal Affairs Division chief ng PRO3, sinibak dahil sa paggamit ng ilegal na droga

Share this information:

MISMONG si Philippine National Police (PNP) Chief General Debold Sinas ang nag-alis sa pwesto sa hepe ng Legal Affairs Division sa Police Regional Office-3 (PRO3) matapos na mapag-alamang nagpositibo ito sa random drug test sa Central Luzon.

Sa isang pahayag, sinabi ni Sinas na walang lugar sa PNP mapa pulis man o non uniformed personnel (NUP) na masangkot sa iligal na droga.

Ayon sa heneral, mismong siya na ang nagpa-alis kay Atty. Efren Garcia II bilang hepe ng Regional Internal Affairs Service 3 na nakatalaga sa Camp Olivas sa San Fernando, Pampanga.

Isinailalim na sa pre-charge investigation at Summary Dismissal Proceedings si Garcia dahil sa Grave Misconduct.

Base sa ulat, nagpositibo ang urine specimen ng abugado sa iligal na droga nitong Februay 24 na isinailalim naman sa confirmatory drug testing nitong February 26. Inalis sa pwesto ang abugado para hindi makaimpluwensya sa gumugulong na imbestigasyon.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Lasing, nanghataw ng kahoy matapos di sindihan ang sigarilyo niya

Wed Mar 3 , 2021
Kasong frustrated homicide ang kinakaharap ngayon ng isang lalaking nalasing at nanghampas ng kahoy sa kanyang mga kainuman kagabi sa Brgy. Molino 3, Bacoor City, Cavite. Natukoy ng Bacoor City Police Station ang suspek na si Jonel Cahigas y Waminal. Ang mga biktima naman ay nakilalang sina Danilo Duazo y Janoras […]

Follow Us

%d bloggers like this: