Lasing, nanghataw ng kahoy matapos di sindihan ang sigarilyo niya

Share this information:

Kasong frustrated homicide ang kinakaharap ngayon ng isang lalaking nalasing at nanghampas ng kahoy sa kanyang mga kainuman kagabi sa Brgy. Molino 3, Bacoor City, Cavite.

Natukoy ng Bacoor City Police Station ang suspek na si Jonel Cahigas y Waminal.

Ang mga biktima naman ay nakilalang sina Danilo Duazo y Janoras at Jenny Duazo y Ancheta.

Base sa salaysay, nagkainuman ang suspek at mga biktima sa Villa Maria, Brgy. Molino 3 bandang alas 11:33 kagabi.

Hiniling ni Jonel kay Danilo  na sindihan ang kanyang sigarilyo ngunit tumanggi ito. Dahil dito, nagalit si Jonel at umuwi ng bahay.

Nang bumalik sa lugar ay may bitbit na itong dos po dos na kahoy. Kinompronta nito si Danilo at biglang hinataw sa kaliwang baywang habang si Jenny naman ay hinataw nito sa ulo saka mabilis na lumayo sa  lugar.

Isinugod sa Las Pinas General Hospital and Trauma Center ang mga biktima upang gamutin.

Mabilis naman naaresto ng mga barangay tanod ang suspek na lango pa din sa alak.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

PAO sa Lipa, binulabog ng bomb threat

Wed Mar 3 , 2021
Nagulantang ang Public Attorney’s Office (PAO) sa Lipa City nang makatanggap ito ng impormasyon na may sasabog na bomba sa kanilang tanggapan kahapon ng umaga. Nakatanggap ng tawag sa telepono si PSMSgt. Edgar Dimaandal, imbestigador ng Lipa City Police Station bandang alas 10 ng umaga kahapon mula sa isang di-umano ay […]

Follow Us

%d bloggers like this: