PAO sa Lipa, binulabog ng bomb threat

Share this information:

Nagulantang ang Public Attorney’s Office (PAO) sa Lipa City nang makatanggap ito ng impormasyon na may sasabog na bomba sa kanilang tanggapan kahapon ng umaga.

Nakatanggap ng tawag sa telepono si PSMSgt. Edgar Dimaandal, imbestigador ng Lipa City Police Station bandang alas 10 ng umaga kahapon mula sa isang di-umano ay concerned citizen.

Sinabing ang bomba ay nasa tanggapan ng Public Attorney’s Office sa 2nd floor ng Hall of Justice, Annex Building ng Lipa City Hall na matatagpuan sa Barangay Marauoy, Lipa City, Batangas.

Hindi na nagpakilala ang sinasabing concerned citizen na nakatanggap umano ng mensahe sa kanyang mobile phone.

Agad na naghalughog ang Batangas Provincial Police Office-Explosive Ordnance Disposal (EOD) upang beripikahin ang katotohanan ng nasabing bomb threat ngunit wala sila umanong natagpuang bomba sa lugar. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Pulilan holds I-ACAP vaccination program vs COVID-19

Wed Mar 3 , 2021
The municipal government of Pulilan, Bulacan continues to strengthen its campaign against COVID-19 as they conducted an Integrated Aggressive COVID-19 Action Plan (I-ACAP) “Oplan: Bayanihan ng Bakuna sa Bulacan Laban sa Covid-19” on vaccine management held at the St. Dominic Academy in Barangay Poblacion. The vaccine roll-out system and the […]

Follow Us

%d bloggers like this: