Breaking News

Share this information:

ISANG lalaki ang patay nang tupukin ng apoy ang isang residential area sa Port Area, Manila nitong Miyerkules ng gabi, na nagresulta ng pagkawala ng tahanan ng tinatayang aabot sa may 1,000 pamilya sa lugar.

Ang bangkay ng biktimang nakilalang si Ricky Sebastian, 40 anyos, residente ng naturang lugar, ay natagpuan ng mga pamatay-sunog habang nagsasagawa ng clearing operations.

Batay sa ulat ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP), nabatid na nagsimulang sumiklab ang sunog dakong alas-5:45 ng hapon nitong Miyerkules, sa likod ng Philippine Red Cross (PRC) sa Port Area at mabilis na kumalat sa tinatayang aabot sa hanggang 500 tahanan na pawang gawa lamang sa light materials.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog bago tuluyang naideklarang under control dakong 7:44 ng gabi at tuluyang naapula pagsapit ng 2:26 ng madaling araw nitong Huwebes.

Sinasabing nagsimula ang sunog sa ikaapat na palapag na isang barung-barong na pag-aari ng isang Hadji Usman, alyas Junior, na nasa 11th St. kanto ng Railroad St. sa Port Area.

Hindi naman inabot ng apoy ang tanggapan ng PRC dahil may isang kalsada na nakapagitan dito.

Inaalam pa ng mga arson investigators ang sanhi ng sunog na tinatayang tumupok sa may P3 milyong halaga ng mga ari-arian.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: