ARESTADO ang isang lady driver matapos nitong saktan ang traffic enforcer na sumita sa kanya dahil sa paglabag sa batas trapiko kahapon ng umaga.
Nakuhanan pa ng video ang pagwawala at pananakit ng suspek na si Pauline Mae Altamirano, 26 anyos, ng Tres Palmas, Taguig City, sa traffic enforcer na si Marcos Anzures.
Base sa report ni P/Lt. Col. Rizalino Ibay, dakong alas 8:05 ng umaga ng sitahin si Altamirano dahil sa beating the red light, subalit sa halip na huminto ay pinaharurot pa nito ang sinasakyang Toyota Fortuner hanggang sa naabutan siya sa Osmena Highway, sa kanto ng Estrada Street.
Nang hanapin ni Anzures ang driver’s license ng babae ay lumitaw na wala pala itong lisensya kaya inimpound ang kanyang sasakyan.
Pagdating sa impounding area ay galit na sinugod ni Altamirano si Anzures at saka sinaktan ang enforcer.
Patong-patong na kaso ng driving without license, Direct Assault at Resistance and Disobedience to a Person in Authority of the Agent of Such Person ang isinampa laban sa suspek.