Lalaki, nagbigti dahil sa depresyon

Share this information:

Isang lalaki ang nagpasyang magpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti dahil sa tindi ng depresyon sanhi umano ng pagkakaroon ng broken family sa Malabon City.

Kinilala ang biktima na si Jomar Urbano, 24, ng No. 8 Mabolo Road, Brgy. Potrero.

Ayon kay Malabon police homicide investigators P/SSgt. Jeric Tindugan at P/Cpl. Renz Marlon Baniqued, dakong 1 ng hapon, papasok sana sa banyo ang 8-anyos na pamangking babae ng biktima upang umihi.

Laking gulat nito nang makita ang kanyang tiyuhin na nakabigti sa loob ng banyo gamit ang isang lubid.

Kaagad niyang sinabi sa kanyang mga kaanak ang natuklasan saka i-nireport ng mga ito sa pulisya ang insidente.

Sa isinagawang imbestigasyon, gumawa ng isang waiver ang mga kaanak ng biktima na naniniwala sila na walang naganap na foul play sa pagkamatay ni Urbano.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Bata, binigyan ng P50 matapos halayin

Thu Jan 28 , 2021
BATANGAS CITY–Isang 11-taong-gulang na babae ang di-umano ay pinagsamantalahan ng isang lalaki noong Martes ng hapon sa Tanauan City, Batangas. Nadakip naman ng Tanauan Police Station ang suspek na si Jason Rabo ng Barangay San Juan, Tanauan City, na barkada pa mandin ng ama ng biktima. Isinalaysay ng bata ang […]

Follow Us

%d bloggers like this: