Number 1 Most Wanted sa Laguna, timbog

Share this information:

Naaresto na ang Number 1 Most Wanted Person (MWP) ng Laguna sa Sitio 4, Barangay Oogong, Santa Cruz, Laguna.

Kinilala ni Regional Highway Patrol Unit (RHPU) Regional Chief PLt. Col. Sam Belmonte ang suspek na si  Edilberto Balatian y Fernandez.

Inihain ng Laguna Philippine Highway Patrol Team (PHPT) na pinangunahan ni PMaj. Charlie Reyes at Santa Cruz Municipal Police Station (MPS) ang mga warrant of arrest na ibinaba nina Hon. Edilwasif Badirri, Presiding Judge ng RTC Branch 208 ng Mandaluyong  City na inisyu noong nakaraang Setyembre 28, 2020 na may P300,000 piyansa, at Qualified Rape na inisyu ni Hon. Maryjane Cajabjab, Presiding Judge ng RTC Branch 26  sa Sta. Cruz, Laguna noong nakaraang Oktubre 14, 2020 na wala naman inirekomendang piyansa.

Dinala na sa piitan sa Santa Cruz MPS ang nasabing suspek, na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10883 at 2 counts ng rape.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Lalaki, nagbigti dahil sa depresyon

Thu Jan 28 , 2021
Isang lalaki ang nagpasyang magpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti dahil sa tindi ng depresyon sanhi umano ng pagkakaroon ng broken family sa Malabon City. Kinilala ang biktima na si Jomar Urbano, 24, ng No. 8 Mabolo Road, Brgy. Potrero. Ayon kay Malabon police homicide investigators P/SSgt. Jeric Tindugan at P/Cpl. […]

Follow Us

%d bloggers like this: