Bata, binigyan ng P50 matapos halayin

Share this information:

BATANGAS CITY–Isang 11-taong-gulang na babae ang di-umano ay pinagsamantalahan ng isang lalaki noong Martes ng hapon sa Tanauan City, Batangas.

Nadakip naman ng Tanauan Police Station ang suspek na si Jason Rabo ng Barangay San Juan, Tanauan City, na barkada pa mandin ng ama ng biktima.

Isinalaysay ng bata ang panghahalay matapos itong makitaan ng kakaibang ikinikilos nang umuwi ng kanilang bahay.

Bandang ala -1 ng madaling araw nang dalhin ng suspek ang biktima sa madamong bahagi ng likurang bahay malapit sa tahanan ng biktima.

Ang itinuturo na gumalaw rito ay ang kaibigan ng kanyang tatay na si Rabo.

Binigyan lamang ng halagang P50 ang bata upang hindi magsumbong sa kanyang mga magulang.

Sa ngayon ay kasalukuyang nakakulong sa Tanauan City Police Station ang suspek at nahaharap sa mga kasong paglabag sa RA 8353  o Anti-Rape Law at RA 7610 o Special Protection of Children Against Child Abuse.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Bangkay, natagpuan dahil sa masamang amoy

Thu Jan 28 , 2021
LAGUNA–Isang bangkay ang natagpuan kagabi ng mga tauhan ng Brgy. Tranca, Bay, Laguna. Ayon sa Bay Municipal Police Station, ang bangkay ay natagpuan sa isang residential area  sa Sitio Las Palmas, Brgy. Tranca ng isang nagngangalang Ross Tan. Tumambad ang bangkay ng biktima matapos buksan ang bintana ng bahay nito […]

Follow Us

%d bloggers like this: