Lalaki na binaril habang nakikipag-inuman sa Pangasinan, patay

Share this information:

WALA nang buhay ang isang lalaki sa Calasiao, Pangasinan matapos itong pagbabarilin habang nakikipag-inuman.

Tinukoy ng pulisya ang biktima na si Amadito Caragay, 64-anyos, residente ng Barangay Banlag ng nasabng bayan.

Nagtamo ng anim na tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na nagresulta sa agad nitong pagkamatay.

Ayon sa pulisya, nakikipag-inuman ang biktima nang lapitan siya ng suspek at saka pinagbabaril. Mabilis na tumakas ang salarin matapos ang krimen.

Sinabi ng kaanak ni Caragay na wala silang alam na kaaway ang biktima.

Patuloy nang sinisiyasat ng mga awtoridad ang insidente at inaalam kung may kinalaman sa krimen ang trabaho ng biktima bilang sales representative ng STL o small town lottery.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.