Breaking News

Share this information:

PAPALAWIGIN pa ng hanggang dalawang buwan ang kontrata ng mga contact tracers sa Metro Manila.

Ito ay kasunod ng kahilingan ng ilang concerned agencies, ang Department of Health (DOH), Metro Manila Development Authority (MMDA)  at city mayors ng National Capital Region (NCR), ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III.

Sinabi nitong maaaring tanggapin ang kahilingan na palawigin ang serbisyo ng mga contact tracers pero limitado lamang sa hanggang dalawang buwan ang pagpapalawig dahil sa kakulangan ng pondo.

Sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) Program ng DOLE, mahigit 5,754 ang na-deploy na contact tracers batay sa datos hanggang nitong Mayo.

Ang mga contact tracers ay higit na kailangan ngayon sa bansa dahil na rin sa mga naitalang mga kaso ng Delta variant  na mas transmissible o nakakahawa.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: