Breaking News

Share this information:

NATUNTON na ang isang crew member ng MT Clyde na umuwi at bumaba sa Butuan na kalaunan ay napag-alamang positibo pala sa COVID-19.

Sa virtual media briefing , sinabi ni Department of Health (DOH) Usec. at spokesperson Ma. Rosario Vergeire na kasalukuyan nang naka-isolate ang nasabing tripulante at ang kanyang pamilya.

Nagpapatuloy naman ang contact tracing sa iba pang naging close contacts nito.

Ayon pa kay Vergeire, ang labing-isang tripulante na nasa MT Clyde at nagpositibo rin sa COVID-19 ay “closely monitored” o mahigpit na binabantayan.

Kasalukuyan na ring binabantayan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang barge at tugboat na mula pa Indonesia.

Papayagan lamang na umakyat sa naturang mga sasakyang pandagat ang mga awtoridad, medical team at essential worker na magmomonitor sa mga crew.

Samantala, kinumpirma rin ni Vergeire na naipadala na sa Philippine Genome Center ang nasa limang sample mula sa 12 crew na nagpositibo sa COVID-19.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: