KFR sub-leader patay sa pagpalag sa arrest warrant sa Zamboanga City

NAPATAY sa pagpalag mula sa pag-aresto ng mga awtoridad ang hinihinalang sub-leader ng kidnap-for-ransom group sa Barangay Mampang, Zamboanga City.

Tinukoy ni Western Mindanao Command (WestMinCom) commander Lieutenant General Corleto Vinluan Jr. ang pagkakakilanlan ng suspek na si Samad Awang o alyas Ahmad Jamal.

Si Awang ay sinasabing sub-leader ng Abdussalam group.

Nabatid kay Vinluan na isisilbi sana ng pinagsanib na puwersa ng pulisya at militar ang warrant of arrest laban kay Awang sa Sitio Sahaya nang barilin umano nito ang mga awtoridad.

Rumesbak ang mga pulis at sundalo na naging dahilan ng agarang pagkamatay ni Awang.

Si Awang ay may kasong paglabag sa Article 267 ng Revised Penal Code o ang serious illegal detention, kidnapping at hostage-taking at mayruong arrest warrant mula sa 9th Judicial Region, Regional Trial Court Branch 31 sa Imelda, Zamboanga Sibugay.

Pang-25 sa wanted list ng kidnap for ransom group ng Police Regional Office IX si Awang. Nasamsam mula sa suspek ang isang kalibre .45 pistol chamber na may bala, isa pang magazine ng baril na may mga bala.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.