UMAPELA kay Manila Mayor Isko Moreno at sa Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga benepisyaro ng Social Amelioration Program (SAP) dahil umano sa ginagawang pangha-harass nito sa kanila.
Ayon sa mapagkakatiwalaang source, nangangamba sa kanilang seguridad ang mga complainants dahil sa pangha harass ni Chairman Augusto Salangsang ng Barangay 261.
Nabatid na nalaman ni Salangsang ang pagbibigay ng sinumpaang salaysay ng ilang testigo sa mga pulis na may hawak ng kaso.
Kaagad umanong ipinatawag ni Salangsang ang mga complainants at kinuwestyon ang pagbibigay nila ng salaysay laban sa kapitan.
Dahil dito, hiniling ng mga complainants kay Manila Mayor Isko Moreno at kay DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Dino na tuluyan ng mapatalsik sa kanyang posisyon bilang kapitan ng kanilang barangay si Salangsang upang hindi na ito makapag hasik pa ng kaguluhan dahil sa ginagawang lantad na kurapsyon.