MAGPAPATUPAD ng bahagyang pagtatapyas sa singil sa kuryente ang Manila Electric Company (MERALCO) para sa buwan ng Disyembre.
Sa ipinalabas na anunsyo ng MERALCO, aabot sa P0.0352 ang mababawas sa December bill ng mga kustomer nito.
Katumbas ang bawas-singil ng P7 para sa mga komukunsumo ng 200 kwh at P18 para sa mga komukunsumo ng 500/kwh.
Ang pagbaba ng singil sa kuryente ay bunga umano ng mas mababang generation charge dahil na rin sa mas murang Wholesale Electricty Spot Market (WESM).
“This month’s overall rate is also a net rate reduction of P1.3870 per kWh, equivalent to bill reduction of more than P277 for a 200kWh household, since the start of the year,” ayon sa Meralco.
“This the second lowest overall power rate in more than three years, or since September 2017,” dagdag nito.
Maliban dito, bumuti rin umano ang kondisyon ng Luzon grid. Mula sa 10,344 megawatts na peak demand nuong Oktubre ay naging 9,886 MW na lamang ito nitong Nobyembre.