Mass gathering sa Chinese New Year, bawal sa Caloocan

Share this information:

IPINAGBABAWAL ni Caloocan City Mayor Oca Malapitan ang anumang uri ng mass gathering sa lungsod kaugnay sa pagdiriwang ng Chinese New Year sa Pebrero 12, 2021.

Sa inilabas na Executive Order 006-21, nakasaad na bawal ang mga street party, mga stage show, parada, palaro, dragon dance at iba pang aktibidad na maaaring pagmulan ng mass gathering.

Ani Malapitan, pinirmahan niya ang kautusan bilang pagsunod ng lungsod sa umiiral na community quarantine protocols ng Inter-Agency Task Force upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 virus.

Ipinag-utos din ng Punong-Lungsod na mahigpit na ipatupad ang umiiral na ordinansa sa paggamit ng mga ipinagbabawal na paputok at ang ordinansa sa pagbebenta at pag-inom ng alak.

Nakasaad din sa kautusan na sa mga pribadong pagtitipon ay hanggang 10 tao lamang ang papayagan at kinakailangang mahigpit na ipatupad ang pagsusuot ng face mask, face shield at social distancing.

Ang mga restaurant ay kinakailangan pa ring sundin ang 50 percent dine-in capacity at 30 percent capacity naman para sa simbahan at religious activities.

Inatasan ni Mayor Oca ang Caloocan Police, Department of Public Safety and Traffic Management at mga opisyal ng barangay upang masigurong maipatutupad ang kautusan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Kelot, todas sa suntok ng kapitbahay

Tue Feb 9 , 2021
Patay ang isang 42-anyos na lalaki matapos bumagsak sa tulay na kahoy habang nakikipagsuntukan sa kanyang kapitbahay makaraan ang pagtatalo sa Malabon City kamakalawa ng gabi. Hindi na umabot ng buhay sa Ospital ng Malabon ang biktimang si Ruel Asignado, 42 anyos, ng 38 C. Arellano St. Brgy. San Agustin, […]

Follow Us

%d bloggers like this: