Kelot timbog ng NBI sa kasong rape

HULI agad ng National Bureau of Investigation- Western Visayas Regional Office (NBI WEVRO) makalipas lamang ang ilang oras sa ikinasang hot pursuit ng ahensya ang isang lalaking humalay sa babaeng nakitulog lamang sa bahay ng kaibigan, Huwebes ng hapon.

Base sa ulat na isinumite kay NBI Director Jaime Santiago ng NBI-WEVRO, hinuli ang suspek na si alyas “Kert”, sa presenya ng mga opisyal ng Barangay sa Brgy. East Baluarte, Molo, Iloilo City ng alas 5:45 ng hapon ng Hulyo 31.

Ayon sa reklamo ng babaeng biktima, habang natutulog siya sa bahay ng kaibigan alas 6:00 ng umaga ng Hulyo 31 nang isagawa ng suspek ang panghahalay sa kanya.

Kaagad siyang nagpunta para ireklamo sa NBI-WEVRO  na pinamumunuan ni Atty. Jeremiah  Sargado at isumbong ang panghahalay sa kanya ng suspek.

Kaagad ikinasa ang hot pursuit laban sa suspek sa pakikipagtulungan ng Iloilo City Police Station No. 4  at sa Barangay officials.

Agosto 1, nang isailalim na sa inquest proceedings si Kert sa Iloilo City Prosecutor’s Office sa reklamong paglabag sa Article 266-A ng Revised Penal Code, na inamyendahan ng Republic Act No. 8353 (Rape).

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.