Kelot na nasita sa QCP sa Malabon, timbog dahil sa shabu

Share this information:

Kalaboso ang isang lalaki matapos itong makuhanan ng shabu makaraang masita ng mga pulis na nagbabantay sa Quarantine Control Point (QCP) sa Malabon City kagabi.

Kinilala ni Malabon police chief Col. Joel Villanueva ang naarestong suspek na si Rafael Molleda, 30 anyos, ng Bulacan na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 at Art. 151 ng Revised Penal Code.

Ayon kay Col. Villanueva, dakong alas 10:30 ng gabi, nagbabantay sa QCP sa kahabaan ng MH Del Pilar, Arkong Bato, Brgy. Santulan ang mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 3 nang makita nila ang gumagalang suspek.

Nang tanungin kung authorized person outside residence o APOR at hanapan ng identification card ang suspek ay pumalag ito at tinangkang tumakbo subalit agad siyang napigilan ng mga pulis.

Nang kapkapan, nakuha sa suspek ang isang transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P8,160 ang halaga.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Dalawa, timbog sa shabu sa Caloocan

Wed Apr 7 , 2021
Swak sa kulungan ang dalawang hinihinalang drug pusher matapos makuhanan ng nasa P81,600 halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan City kamakalawa ng hapon. Kinilala ni Northern Police District (NPD) District Drug Enforcement Unit (DDEU) head PLt. Col. Macario Loteyro ang mga naarestong suspek na si […]

Follow Us

%d bloggers like this: