Breaking News

Share this information:

SWAK sa kulungan ang isang electrician matapos magpakilalang miyembro ng Philippine National Police (PNP) sa Malabon City.

Nahaharap sa kasong Usurpation of Authority or Official Functions (Art. 177 of RPC) ang naarestong suspek na kinilalang si Arvin Busa, 26 anyos, ng Blk 9, Lot 31, 4th St., Brgy. Tañong.

Sa report nina police investigators PSSgt. Mardelio Osting at PSSgt. Diego Ngippol kay Malabon police chief Col. Joel Villanueva, nagpakilala ang suspek na pulis at inimbita na mag-inuman ang saksing si Alberto Perez Jr., traffic enforcer at residente ng Esguerra St. Brgy. Flores.

Matapos makaubos ng ilang bote ng alak dakong alas-3 ng madaling araw, naglakad ang suspek at si Perez sa kahabaan ng Gulayan St. Brgy. Concepcion para maghanap ng iba pang venue upang ituloy ang inuman.

Dito, nakilala nila ang isa pang saksi na si Anthony Patola, 34 anyos, barangay kagawad ng Brgy. Concepcion kung saan ipinakilala naman ng kagawad si Busa kay Pat. Allan Roquite, 31 anyos, at nakatalaga sa Police Community Affairs and Development Group (PCADG), Camp Crame.

Muling nagpakilala ang suspek bilang miyembro ng PNP sa arresting officer, subalit matapos ang isinagawang beripikasyon sa Personnel Accounting Information System-Police Non-Commissioned Officer (PAIS PNCO) napagalaman ni Pat. Roquite na hindi ito totoong pulis na naging dahilan upang arestuhin nito si Busa.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: