Breaking News

Share this information:

NAKIPAGPULONG ang pamahalaang lungsod ng Caloocan sa pangunguna ni Mayor Oca Malapitan sa pamunuan ng ilang mga pribadong ospital sa Caloocan hinggil sa isinasagawang COVID-19 mass vaccination program.

Layunin ng pagpupulong na hingin ang tulong at hikayatin ang mga doktor at iba pang health workers, partikular na sa mga pribadong ospital, na boluntaryong makiisa sa mass vaccination program ng lungsod upang mas mapabilis ang pagbabakuna sa mga mamamayan.

Kabilang sa mga nag-commit para umagapay sa mass vaccination proram ay ang Nodado General Hospital – tatlong doktor, kasama si Dr. Olivia Favor, at tatlong RN sa Manila Central University (MCU) – Nursing Service Office; apat na mga RN at si Dr. Sentero mula sa Our Lady of Grace Hospital, Camarin Doctors Hospital at PCCI, Caloocan City Filipino-Chinese Chamber of Commerce medical team.

Ngayon pa lamang ay nagpapasalamat na po ako sampu ng mga taga-Caloocan para sa mga nagpaabot ng kanilang commitment para sa ating programa. Maraming maraming salamat sa hindi matatawarang serbisyo at sakripisyo bilang mga makabagong bayani ng bayan,” pahayag ng alkalde.

Nasa 1.2 milyon ng ating populasyon ang kinakailangan po natin mabakunahan sa Caloocan. Mas mabilis po natin itong matatapos kung kasama namin kayo, tulong-tulong tayo, nang sa gayon ay tuluyan nang matuldukan ang pandemyang ito,” aniya.

Nanawagan pa siya sa mga doktor at iba pang health workers na interesadong makiisa sa mass vaccination program na bukas ang Caloocan para sa kanilang tulong at suporta. Maaari lang makipag-ugnayan sa Caloocan City Health Department, 09478834430 / 09772393931.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: