Kaso ng suicide sa Pilipinas, tumataas

Share this information:

PINAIIMBESTIGAHAN sa Kamara ang tumataas na kaso ng ‘suicide’ sa bansa sa panahon ng pandemya.

Sa house resolution no. 2312, hinihiling sa kaukulang komite ng mababang kapulungan na magdaos ng pagsisiyasat “in aid of legislation” sa sinasabing nakaka-alarmang dami ng insidente ng suicide sa gitna ng pandemya.

Sa nasabing resolusyon, binanggit ng Philippine Statistics Authority (PSA) na nasa 57% ang pagtaas ng suicide rate sa bansa noong 2020.

Batay pa sa ulat ng PSA, mula sa ika-31 noong 2019 ay umakyat sa ika-25 ang suicide sa listahan bilang nangungunang dahilan ng pagkamatay noong nakaraang taon.

Sa kabuuan, 4,420 ang namatay dahil sa suicide noong 2020 kumpara sa 2,810 noong 2019.

Saad sa resolusyon na ang mga numerong ito ay nagpapakita ng malaking kakulangan sa implementasyon ng National Mental Health Act.

Iginiit din na kailangang matugunan ng pamahalaan partikular ng Department of Health (DOH) at iba pang kaukulang ahensya ang usapin ng mental health ng publiko, sa pamamagitan ng “pro-active at accessible” na mga programa at serbisyo.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.