Pumalo na sa 482,083 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH).
Ito ay dahil sa karagdagang 1,353 na mga kaso ngayong araw.
Ang mga gumaling naman sa sakit ay nasa 360 kaya umabot na sa kabuuang bilang na 449,052 ang mga recoveries.
Mayroon namang 9 na namatay sa sakit kaya umakyat na sa kabuuang bilang na 9,356 ang mga namamatay.
Kasalukuyan namang ginagamot ang 23,675 na mga aktibong kaso.
Kabilang sa mga lugar na may naitalang mataas na kaso ngayong araw ay ang Rizal na may 63 kaso. Mayroon namang 62 ang Laguna, 60 sa lungsod ng Marikina, 58 sa Quezon City at 54 sa Davao City.
Muli namang nagpaalala ang DOH sa publiko lalo na sa mga deboto ng Itim na Nazareno na sumunod sa mga minimum public health standard at health protocol.
Ayon pa sa DOH, kaisa sila sa panawagan ng Quiapo Church na ipagdiwang na lamang ang kapistahan ng Poong Nazareno online.
Manatili at manalangin na lamang sa loob ng tahanan upang ang pagdiriwang ng Pista ng Itim na Nazareno ay maging ligtas sa bahid ng COVID-19.