Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, aabutin ng 375,000 sa Setyembre – UP experts

TINATAYANG aabot ng hanggang 375,000 ang mga magpopositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas sa katapusan ng buwan ng Setyembre.

Batay ito sa bagong pagtataya ng mga eksperto mula sa University of the Philippines (UP).

Sa ipinalabas na forecast report ng UP-OCTA research team, ang projected total ng COVID-19 cases ay 330,000 para sa lower estimate; 350,000 para sa median estimate at 375,000 para sa upper estimate.

Tinukoy ng UP experts na ang reproduction number ng COVID-19 o ang bilang ng hawaan at ang bilang ng mga bagong kaso ng virus infection kada araw ay bumaba sa huling bahagi ng Agosto na ngayon ay nasa 1.03 bagamat ang ideyal ay mababa sa 1 na ang ibig sabihin ay pawala na ang pandemya.

Maliban sa bumababang bilang ng mga bagong kaso na nadaragdag araw-araw, nabawasan na rin ang tinatawag na positivity rate sa 14% sa nakalipas na dalawang linggo.

Ang hospital bed at ICU occupancy rates sa Metro Manila ay nabawasan na rin bagamat mayruon pang siyam na lungsod ang nasa critical level. Sa pagtataya nng mga researcher, aabot sa 180,000 hanggang 210,000 ang COVID-19 cases sa NCR sa Setyembre 30.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.